Huwebes, Pebrero 8, 2018

Responsableng Paggamit ng Social Media

RESPONSABLENG PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA


Ano ba ang social media?
Nakatutulong ba ito sa ating pang-araw-araw na pangangailangan?
Nakakadulot ba ito ng positibo o negatibong resulta?
Ano-ano ang mga katangian upang magamit sa wasto ang social media?
Paano ba gamitin ang social media sa responsabling paraan?
Ano ang paraan upang makamit ang responsabling paggamit ng social media?

            Naranasan mo na bang itanong sa sarili mo ang mga iilang tanong nayan? Naranasan mo nabang magmuni-muni kong ano ang social media? Naranasan mo nabang itanong  sa sarili mo kong wasto ba ang paggamit sa social media? Kung oo o hindi, itong blog nato ay hahayaan kang ipaintindi kong ano tagala ang social media.
            Ayon kay Reamjohn (2017) ang social media ay online na komuniksyon channel na nakatuon sa input ng komunidad, pakikipag-ugnayan, pagbabahagi ng nilalaman at pakikipagtulungan at kay Karl Adunza (2017) naman ay ang social media ay isang uri ng daluyan ng impormasyon, kabilang na ito sa iba pang medium ng impormasyon gaya ng telebisyon, radio, pahayagan, at iba pa ay ang kadalasang pinagdadaluyan ng mahahalagang impormasyon.
            Bilang mamamayan, nakakatulong sa atin ang social media sa pamamagitan ng paggamit ng Google kung saan mas maipapamadali natin ang mga Gawain lalo na sa mga takdang aralin at proyekto.
            Ang social media ay nakakatulong ito sa pagbebenta online via facebook, at iba pa. Sa madaling salita nagiging responsabli ang paggamit ng tao nito pero sa pagkahumaling sa paggamit ng mga taong ito nagiging iresponsabli na sila dahil sa umaasa na lamang sa social media. Ika nga ni Mark Mekninnon “Social Media have brought power back to the people.”
            Ang social media ay nakatuon sa mga iba’t ibang uri na nakapaloob na dito ang mga sikat na paraan upang makapag socialize kagaya lamang ng facebook, twitter at intagram. Ilan lang yan sa mga application na kadalasan at karamihan sa mga tao ay gumagamit nito. Ayon kay Pascual (2016), Sa kasalukuyan, may dalawang bilyong tao ang aktibong gumagamit ng social media sa buong mundo at ito ay nakaaapekto sa buhay at edukasyon.  Ito ay ayon sa Google.com, isang website sa internet. Pinaliit ng social media ang mundo, inuulan tayo ng maraming impormasyon, mas malawak na kaalaman at mas mabuting oportunidad upang magamit ang mga ito.
Napag-alaman sa pag-aaral na ang karamihan sa mga tao sa mundo ay may pattern na sinusunod at ito ay ang paggamit ng iba’t-ibang uri ng social media. Sa mga uri ng social media, ang sinasabing pinakakilala ay ang “Facebook” na kung saan ang gumagamit ay maaring magpadala ng mensahe, mag upload ng mga larawan, videos, makipagchat o makipag-usap at iba’t-iba pang gamit nito.
Marami pang iba’t-ibang uri ng social media ang ginagamit ng mga mag-aaral, guro, mga magulang ganoon din ng iba’t- ibang uri ng tao sa daigdig. Ang iba pang mga ginagamit ay ang Twitter at Instagram na may iisang layunin – ang makipag-ugnayan at makipagtalastasan sa mga tao sa iba’t-ibang parte ng mundo. Habang dumarami ang gumagamit ng social media ay mapapansin na may mabuti at masamang idinudulot ang paggamit nito. Ayon sa obserbasyon at pananaliksik, karamihan sa mga gumagamit ng social media ay nasa gulang na 14-29. Ilan sa mga mabubuting epekto ay ang madaling pagkalat ng mga kaalaman o mga impormasyon, mabilis na pakikipag ugnayan sa mga taong kasama sa trabaho o hindi man.
            Isa sa mga epektibong paraan upang makamit ang responsabling paggamit ng social media ay ang paggamit ng wasto o hindi abusuhin ang paggamit ng social media. Dapat gamitin lamang ito sa pagkakaroon ng mga importanteng bagay na dapat sundin ng mga kabataan.
            Dahil sa makabagong teknolohiya at makabagong panahon, ang social media ay maituturing na universal na paggamit sa pag-aaral sa pagkuha ng impormasyon. Ang social media ay mayroong positibo at negatibong epekto sa mga mamayan, depende sa uri ng paggamit nito. Iwasan ang pag abuso sa paggamit ng social media para makamit ang responbleng paggamit nito.


3 komento: