RESPONSABLENG
PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA
Ano ba ang social media?
Nakatutulong ba ito sa ating
pang-araw-araw na pangangailangan?
Nakakadulot ba ito ng positibo o
negatibong resulta?
Ano-ano ang mga katangian upang magamit
sa wasto ang social media?
Paano ba gamitin ang social media sa
responsabling paraan?
Ano ang paraan upang makamit ang
responsabling paggamit ng social media?
Naranasan mo na bang itanong sa
sarili mo ang mga iilang tanong nayan? Naranasan mo nabang magmuni-muni kong
ano ang social media? Naranasan mo nabang itanong sa sarili mo kong wasto ba ang paggamit sa
social media? Kung oo o hindi, itong blog nato ay hahayaan kang ipaintindi kong
ano tagala ang social media.
Ayon kay Reamjohn (2017) ang social
media ay online na komuniksyon channel na nakatuon sa input ng komunidad,
pakikipag-ugnayan, pagbabahagi ng nilalaman at pakikipagtulungan at kay Karl
Adunza (2017) naman ay ang social media ay isang uri ng daluyan ng impormasyon,
kabilang na ito sa iba pang medium ng impormasyon gaya ng telebisyon, radio,
pahayagan, at iba pa ay ang kadalasang pinagdadaluyan ng mahahalagang
impormasyon.
Bilang mamamayan, nakakatulong sa
atin ang social media sa pamamagitan ng paggamit ng Google kung saan mas
maipapamadali natin ang mga Gawain lalo na sa mga takdang aralin at proyekto.
Ang social media ay nakakatulong ito
sa pagbebenta online via facebook, at iba pa. Sa madaling salita nagiging
responsabli ang paggamit ng tao nito pero sa pagkahumaling sa paggamit ng mga
taong ito nagiging iresponsabli na sila dahil sa umaasa na lamang sa social
media. Ika nga ni Mark Mekninnon “Social
Media have brought power back to the people.”
Ang social media ay nakatuon sa mga
iba’t ibang uri na nakapaloob na dito ang mga sikat na paraan upang makapag
socialize kagaya lamang ng facebook, twitter at intagram. Ilan lang yan sa mga
application na kadalasan at karamihan sa mga tao ay gumagamit nito. Ayon kay
Pascual (2016), Sa
kasalukuyan, may dalawang bilyong tao ang aktibong gumagamit ng social media sa
buong mundo at ito ay nakaaapekto sa buhay at edukasyon. Ito ay ayon sa
Google.com, isang website sa internet. Pinaliit
ng social media ang mundo, inuulan tayo ng maraming impormasyon, mas malawak na
kaalaman at mas mabuting oportunidad upang magamit ang mga ito.
Napag-alaman sa pag-aaral na ang karamihan sa mga tao
sa mundo ay may pattern na sinusunod at ito ay ang paggamit ng iba’t-ibang uri
ng social media. Sa mga uri ng social media, ang sinasabing pinakakilala ay ang
“Facebook” na kung saan ang gumagamit ay maaring magpadala ng mensahe, mag
upload ng mga larawan, videos, makipagchat o makipag-usap at iba’t-iba pang
gamit nito.
Marami pang iba’t-ibang uri ng social media ang
ginagamit ng mga mag-aaral, guro, mga magulang ganoon din ng iba’t- ibang uri
ng tao sa daigdig. Ang iba pang mga ginagamit ay ang Twitter at Instagram na
may iisang layunin – ang makipag-ugnayan at makipagtalastasan sa mga tao sa
iba’t-ibang parte ng mundo. Habang dumarami ang gumagamit ng social media ay
mapapansin na may mabuti at masamang idinudulot ang paggamit nito. Ayon sa
obserbasyon at pananaliksik, karamihan sa mga gumagamit ng social media ay nasa
gulang na 14-29. Ilan sa mga mabubuting epekto ay ang madaling pagkalat ng mga
kaalaman o mga impormasyon, mabilis na pakikipag ugnayan sa mga taong kasama sa
trabaho o hindi man.
Isa sa mga epektibong paraan upang
makamit ang responsabling paggamit ng social media ay ang paggamit ng wasto o
hindi abusuhin ang paggamit ng social media. Dapat gamitin lamang ito sa
pagkakaroon ng mga importanteng bagay na dapat sundin ng mga kabataan.
Dahil sa makabagong teknolohiya at
makabagong panahon, ang social media ay maituturing na universal na paggamit sa
pag-aaral sa pagkuha ng impormasyon. Ang social media ay mayroong positibo at
negatibong epekto sa mga mamayan, depende sa uri ng paggamit nito. Iwasan ang
pag abuso sa paggamit ng social media para makamit ang responbleng paggamit
nito.
Okay
TumugonBurahinBakit po ba dapat gamitin ang social media
BurahinPaano maging responsable sa paggamit ng modernong teknolohiya kagaya ng media?
TumugonBurahin